"Ikalawang Digmaang Pandaigdig"
Panimula:
Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong ika-7 ng Hulyo 1937
sa Asya at unang araw ng Setyembre 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang
1945, at nasangkot ang karamihan ng bansa sa daigdig at bawat kontinente
na may naninirahan.Tinuturing ito na pinakamalawak,pinakamahal at
pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maalalang ang mga
bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar
upang lupigin ang bawat kalaban.Sa modyul na ito,tatalakayin ang:
Aralin I:
Dahilan ng Ikalawang digmaang pandaigdig
Aralin II:Digmaan sa Europa
a)Pagbago ng takbo ng digmaan para sa
mga Alyado
b)Pagkawagi ng Alyado
b)Pagkawagi ng Alyado
Aralin III:
Digmaan sa Asya.
Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan ang sumusunod:
A. Isa sa mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pamumuno ni Hitler sa Germany.
B.Fascism ang tawag sa Ideolohiyang pinairal ni Benito Mussolini sa Italy.
C.Nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii, lubhang nagalit ang United States at nagdeklara ito ng Digmaan laban sa Japan.
D.Humiwalay ang Germay sa League of Nations.
E.Idiniklarang Open City ang Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
F. Lumaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa halos lahat ng lupalop ng daigdig.
Idinagdag
ni Adolf Hitler sa mga alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at
Sudetenland isang lugar na pinamumugaran ng Tseka. Nakipagsunduan din
siya sa pinuno ng Unyong Sobyet na si Joseph Stalin para magdeklara ng
digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa
tulong ng Unyong Sobyet noong ika-1 ng Setyembre 1939 dahilan upang
magdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransiya sa unang nabanggit;
dalawang araw ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang digmaan.
Gumagamit ang mga heneral ng Alemanya ng taktikang blitzkrieg o
digmaang kidlat na malugod na ginagamitan ng bilis ng paglusob ng mga
iba't ibang yunit ng Wehrmacht, ang hukbong katihan ng Alemanya noong
panahong yaon. Ang Dinamarka,Noruwega, Belhika, Olanda at Pransiya ay
mabilis na napabagsak ng blitzkrieg habang dumadanas ng maliliit ng mga
kawalan sa tauhan at materyales.
Sa kabila ng pagkawala ng pagkawala ng Pransiya sa kamay ng mga Aleman, tanging ang bansang Britanya na lang ang mananatiling malaya at kung saan ay nasa digmaan pa ang laban sa kanila. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa noong 12 Agosto 1940,binomba ng Alemanya ang katiogang baybayin ng Inglatera, pinagsamasama ni Prime Minister Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensyon na radar na ginagamit para malaman kung may hukbong himpapawid na papunta sa bansa at sa tulong nito natablahan ng mga eroplanong panlaban ng bansa ang mga napakaraming eroplanong pambomba at panlaban ng Alemanya ,pinatigil ni Hitler ang panghimpapawid na pananakop sa Britanya sanhi sa kawalan sa mga eroplano at hindi nasakop ng Alemanya ang pulo bilang kinalabasan.
Noong Hunyo 1941 sinisimulan na ni Hitler at ng kanyang mga Heneral ang pananakop sa Unyong Sobyet, ang pinakamalaking bansa sa mundo. Ayon sa mga mananaysay at mga iskolar , ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler.gusto niya ng bakanteng lugar para sa kanyang lahi at makontol ang kayaman ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang kanyang pinakamapangyarihang karibal na si Joseph Stalin. Umaabot sa apat na milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. dahil dito nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Alemanya. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga Aleman, sa kabila nito walang balak na sumuko ang mga Ruso sa pagtatanggol ng kanilang bansa. Muntikan ng maagaw ng Wehrmacht ang Moscow na nagsisilbing kabisera ng bansa ngunit sa pagsapit ng taglamigang Ruso, naglunsad ang mga Sobyet ng isang malawakang pag atake laban sa kanila at lubos na napaatras ang kanilang mga kawal mula sa tarangkahan ng lungsod.
Sa
unang bahagi ng taong 1942,naging matagumpay ang hukbong Axis sa
Europa sa iba't ibang larangan ng digmaan. Napasakamay ng mga Aleman at
Italyano ang kuta ng Briton sa Tobruk Libya pagkatapos ng pagtatangka
muli ng mga Aleman sa pagkatalo nila sa Moscow ilang linggo na ang
lumipas ay bumalik sila sa paglulusob naagaw nila ang tangway ng Kerch
at ang lungsod ng Kharkov at pinagpatuloy nila ang pangunahing misyon
nila na maagawa nag masaganang kalangisan sa Caucasu at sa lungsod ng
Stalingrad. Dito nagsimula ang madugong labanan sa Stalingrad. Isang
malaking insulto at kawalan kay Stalin ang pagkawala ng lungsod lalo't
lalo na't pangalan niya ang nakaukit sa lungsod kaya ang utos niya sa
kanyang mga kasundalohan tumatanggol salungsod ay bawal umatras ng
walang utos sa kataas taasan okundi'y sila'y papatayin. habang
nahihirapan ang hukbong Axis sa pag agaw sa lungsod dahil sa mga
namamril na nakatago sa mga gusaling nasira ang mga kanyon at eroplano
na kagitingan ng mga lokal nitong mamamayan,lumusob naman ang mga Sobyet
sa mga giliran ng hanay ng hukbo at napakaraming yunit ng hukbo
kabilang na yaon ang mga Romaniyani, Italyano, Unggaryano at iba pang
kaalyado ng Alemanya,ang nawasak napaligiran ang mahigit 300'000 aleman
sa lungsod ,Pebrero 1943 sanhi ng pagkaubos ng kanilang
tauhan,nateryales at pagkain kasama na ang napakaminsalang taglamigang
Ruso,napilitan silang sumuko sa mga Sobyet,ito ang hudyat ng simula ng
pagbagsak ng hukbong Axis sa digmaan. Bagaman may kalakasan pa ang
Wehrmacht sa labanan hindi na ito naibawing muli ang dati nitong sigla
pagkatapos ng labanan sa Kursk na siyang pinakamalaking labanan ng
tangke sa kasaysayan na napagwagian ng mga Sobyet, napatunayan ng wala
ng kakayahan ang Alemnaya na magsagawa ng panlulusob sa mga teritoryo ng
Rusya.
Para mas maunawaan ang D-Day o Operasyong Overload ito ang isang dokumentaryo ukol sa nasabing taktika na ginamit ng Hukbong Alyado. Habang nanonood itala ang mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa napanood na bidyo:
Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan ang sumusunod:
- Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Nasusuri ang mahahalagang pangyayari naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
- Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa tungo sa kapayapaang pandaigdig at kaunlaran
Gawain 1.
Sa
pagsisimula ng aralin,sagutan muna ang mga kunting katanungan na
nakapaloob sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Ilagay ang sagot sa patlang
bago ang numero.
Mga pagpipilian:
a.League of Nations
b.United Nations
c.Hiroshima
d.National Socialism
e.Fascism
__1.Isa sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States
__2.Ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
__3.Tawag sa samahan ng mga bansa na naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
"Aralin I"
Ang
Unang Digmaang Pandaigdig ay natapos sa pagkatalo ng Alemanya at ng mga
kanyang kasapi noong 1918. Nabago ang mapa ng Europa at bilang resulta
nito,nasipagsulutan ang mga bagong bansa kasama
ang bagong nabuong Republika ng Weimar na kumakatawan sa nasabing
bansa, dulot nito. Naniniwala ang mga Aleman na sila ay hindi
makatarungang sinisi sa digmaan; sila ay ginamit bilang
pambayad
ng pera sa Britanya at Pransiya na nagwagi sa digmaan. Binigyan ang
unang nasabing bansa ng mga pagbabawal at sangksyon,kabilang na rito ang
Kasunduan sa Versailles na nagbabawal sa bansa na magsanay ng hukbong
katihan na umabot sa sandaang libong kawal para maiwas ang karagdagang
gulo sa Europa at upang hindi na maulit ang pagkawasak at kapighatiang
dulot ng nasabing digmaan.
Naglunsad
si Adolf Hitler ng isang himagsikan noong 1923 sa lungsod ng Munich sa
Alemanya kasama ang mga kapartidong Nazi upang tangkaing ipalawak ang
kanilang kapangyarihan. Pero ang himagsikang ito ay pumalpak at marami
sa kanyang kasamahan ang nabihag ng mg awtoridad. Aabutin ang partido ng
sampung taon bago sila ang magiging pinuno ng bansa.
Gawain 2.Right Angle Approach
Gawain 2.Right Angle Approach
Tukuyin
kung ano ang Facts at Views sa mag tinutukoy na pahayag tungkol sa
Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Gamitin ang Right Angle Approach.
FACTS:
- __
- __
- __
- __
VIEWS:
- __
- __
A. Isa sa mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pamumuno ni Hitler sa Germany.
B.Fascism ang tawag sa Ideolohiyang pinairal ni Benito Mussolini sa Italy.
C.Nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii, lubhang nagalit ang United States at nagdeklara ito ng Digmaan laban sa Japan.
D.Humiwalay ang Germay sa League of Nations.
E.Idiniklarang Open City ang Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
F. Lumaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa halos lahat ng lupalop ng daigdig.
"Aralin II"
Digmaan sa Europa:
Idinagdag
ni Adolf Hitler sa mga alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at
Sudetenland isang lugar na pinamumugaran ng Tseka. Nakipagsunduan din
siya sa pinuno ng Unyong Sobyet na si Joseph Stalin para magdeklara ng
digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa
tulong ng Unyong Sobyet noong ika-1 ng Setyembre 1939 dahilan upang
magdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransiya sa unang nabanggit;
dalawang araw ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang digmaan.
Gumagamit ang mga heneral ng Alemanya ng taktikang blitzkrieg o
digmaang kidlat na malugod na ginagamitan ng bilis ng paglusob ng mga
iba't ibang yunit ng Wehrmacht, ang hukbong katihan ng Alemanya noong
panahong yaon. Ang Dinamarka,Noruwega, Belhika, Olanda at Pransiya ay
mabilis na napabagsak ng blitzkrieg habang dumadanas ng maliliit ng mga
kawalan sa tauhan at materyales.Sa kabila ng pagkawala ng pagkawala ng Pransiya sa kamay ng mga Aleman, tanging ang bansang Britanya na lang ang mananatiling malaya at kung saan ay nasa digmaan pa ang laban sa kanila. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa noong 12 Agosto 1940,binomba ng Alemanya ang katiogang baybayin ng Inglatera, pinagsamasama ni Prime Minister Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan ng lihim na imbensyon na radar na ginagamit para malaman kung may hukbong himpapawid na papunta sa bansa at sa tulong nito natablahan ng mga eroplanong panlaban ng bansa ang mga napakaraming eroplanong pambomba at panlaban ng Alemanya ,pinatigil ni Hitler ang panghimpapawid na pananakop sa Britanya sanhi sa kawalan sa mga eroplano at hindi nasakop ng Alemanya ang pulo bilang kinalabasan.
Noong Hunyo 1941 sinisimulan na ni Hitler at ng kanyang mga Heneral ang pananakop sa Unyong Sobyet, ang pinakamalaking bansa sa mundo. Ayon sa mga mananaysay at mga iskolar , ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler.gusto niya ng bakanteng lugar para sa kanyang lahi at makontol ang kayaman ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang kanyang pinakamapangyarihang karibal na si Joseph Stalin. Umaabot sa apat na milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. dahil dito nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod ng Alemanya. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga Aleman, sa kabila nito walang balak na sumuko ang mga Ruso sa pagtatanggol ng kanilang bansa. Muntikan ng maagaw ng Wehrmacht ang Moscow na nagsisilbing kabisera ng bansa ngunit sa pagsapit ng taglamigang Ruso, naglunsad ang mga Sobyet ng isang malawakang pag atake laban sa kanila at lubos na napaatras ang kanilang mga kawal mula sa tarangkahan ng lungsod.
Ang pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga Alyado:
Sa
unang bahagi ng taong 1942,naging matagumpay ang hukbong Axis sa
Europa sa iba't ibang larangan ng digmaan. Napasakamay ng mga Aleman at
Italyano ang kuta ng Briton sa Tobruk Libya pagkatapos ng pagtatangka
muli ng mga Aleman sa pagkatalo nila sa Moscow ilang linggo na ang
lumipas ay bumalik sila sa paglulusob naagaw nila ang tangway ng Kerch
at ang lungsod ng Kharkov at pinagpatuloy nila ang pangunahing misyon
nila na maagawa nag masaganang kalangisan sa Caucasu at sa lungsod ng
Stalingrad. Dito nagsimula ang madugong labanan sa Stalingrad. Isang
malaking insulto at kawalan kay Stalin ang pagkawala ng lungsod lalo't
lalo na't pangalan niya ang nakaukit sa lungsod kaya ang utos niya sa
kanyang mga kasundalohan tumatanggol salungsod ay bawal umatras ng
walang utos sa kataas taasan okundi'y sila'y papatayin. habang
nahihirapan ang hukbong Axis sa pag agaw sa lungsod dahil sa mga
namamril na nakatago sa mga gusaling nasira ang mga kanyon at eroplano
na kagitingan ng mga lokal nitong mamamayan,lumusob naman ang mga Sobyet
sa mga giliran ng hanay ng hukbo at napakaraming yunit ng hukbo
kabilang na yaon ang mga Romaniyani, Italyano, Unggaryano at iba pang
kaalyado ng Alemanya,ang nawasak napaligiran ang mahigit 300'000 aleman
sa lungsod ,Pebrero 1943 sanhi ng pagkaubos ng kanilang
tauhan,nateryales at pagkain kasama na ang napakaminsalang taglamigang
Ruso,napilitan silang sumuko sa mga Sobyet,ito ang hudyat ng simula ng
pagbagsak ng hukbong Axis sa digmaan. Bagaman may kalakasan pa ang
Wehrmacht sa labanan hindi na ito naibawing muli ang dati nitong sigla
pagkatapos ng labanan sa Kursk na siyang pinakamalaking labanan ng
tangke sa kasaysayan na napagwagian ng mga Sobyet, napatunayan ng wala
ng kakayahan ang Alemnaya na magsagawa ng panlulusob sa mga teritoryo ng
Rusya.
Pagkawagi ng mga Alyado:
Noong ika-6 ng Hunyo 1944 naglunsad ang mga sundalong Amerikano,Briton at Kanadyano ng
pagsalakay
sa baybayin ng Normandy Pransiya na sakop ng mga sundalong Aleman at
ito ay bahagi ng operasyong tinawag na D-Day o Operasyong Overload na
siyang pinakamalaking paglusob mula dagat sa .kasaysayan. Mahigit
175,000 na Alyadong sundalo ang lumapag sa baybaying-dagat ng Normandy
sa mga unang araw nito at lumagpas sa humigit isang milyon pagkatapos ng
ilang araw. Makalipas ang ilang buwan, sa tulong ng mga Pranses
matagumpay na napalaya ng hukbong Alyado ang
Pransiya,makalipas
ang ilang buwan nagsagawa ang mga Aleman ng isang paglusob laban sa
mg hukbong Alyado sa mga kagubatan ng Ardennes, subalit pumalya ito at
dahil dito ay halos matalo na ang bansa sa digmaan.
Noong
16 Abril 1945, pumasok ang hukbong pula ng Unyong Sobyet sa lungsod ng
Berlin ang kabisera ng Nasiyunalistang Alemanya at nilbanan nito ang mga
kahulihuliang mga yunit ng sundalong Aleman. Nawasak ang kabiserang
lungsod at may higit 700,000 sundalong Aleman at sibilyan ang namatay,
nasugatan at nabihag sa kamay ng mga Sobyet. Noong 8 Mayo 1945 sumuko
ang Alemanya at nagwagi ang puwersang Alyado at Unyong Sobyet sa
digmaan.
Para mas maunawaan ang D-Day o Operasyong Overload ito ang isang dokumentaryo ukol sa nasabing taktika na ginamit ng Hukbong Alyado. Habang nanonood itala ang mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa napanood na bidyo:
Panuorin:
Gawain 3: Reaction Paper
Gumawa ng Reaction paper patungkol sa kaganapan sa Digmaan sa Europa. tulad ng ibat ibang gerang naganap, at tungkol sa mga naglalabang alyado.