Monday, October 13, 2014

Module

 "Ikalawang Digmaang Pandaigdig"

Panimula:


Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isang pandaigdigang labanan na nagsimula noong ika-7 ng Hulyo 1937 sa Asya at unang araw ng Setyembre 1939 sa Europa. Natapos ito hanggang 1945, at nasangkot ang karamihan ng bansa sa daigdig at bawat kontinente na may naninirahan.Tinuturing ito na pinakamalawak,pinakamahal  at pinakamadugong labanan sa kasaysayan ng sangkatauhan. Maalalang ang mga bansang lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng napakaraming pwersang militar upang lupigin ang bawat kalaban.



Sa modyul na ito,tatalakayin ang:

Aralin I:

Dahilan ng Ikalawang digmaang pandaigdig

Aralin II:Digmaan sa Europa
a)Pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga Alyado
b)Pagkawagi ng Alyado
 
Aralin III:
Digmaan sa Asya.





Sa modyul na ito ay inaasahang matutuhan ang sumusunod:



  • Nasusuri ang mga dahilan na nagbigay daan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Nasusuri ang mahahalagang pangyayari naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
  • Nasusuri ang pagsisikap ng mga bansa tungo sa kapayapaang pandaigdig at kaunlaran

Gawain 1.
Sa pagsisimula ng aralin,sagutan muna ang mga kunting katanungan na nakapaloob sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Ilagay ang sagot sa patlang bago ang numero.

Mga pagpipilian:
a.League of Nations
b.United Nations
c.Hiroshima
d.National Socialism
e.Fascism


__1.Isa sa mga lugar sa Japan na pinasabog ng United States
__2.Ang ideolohiyang pinairal ni Hitler noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig
__3.Tawag sa samahan ng mga bansa na naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig



"Aralin I"
Ang Dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig:
Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay natapos sa pagkatalo ng Alemanya at ng mga kanyang kasapi noong 1918. Nabago ang mapa ng Europa at bilang resulta nito,nasipagsulutan ang mga bagong bansa kasama ang bagong nabuong Republika ng Weimar na kumakatawan sa nasabing bansa, dulot nito. Naniniwala ang mga Aleman na sila ay hindi makatarungang sinisi sa digmaan; sila ay ginamit bilang 
pambayad ng pera sa Britanya at Pransiya  na nagwagi sa digmaan. Binigyan ang unang nasabing bansa ng mga pagbabawal at sangksyon,kabilang na rito ang Kasunduan sa Versailles na nagbabawal sa bansa na magsanay ng hukbong katihan na umabot sa sandaang libong kawal  para maiwas ang karagdagang gulo sa Europa at upang hindi na maulit ang pagkawasak at  kapighatiang dulot ng nasabing digmaan.
Naglunsad si Adolf Hitler ng isang himagsikan noong 1923 sa lungsod ng Munich sa Alemanya kasama ang mga kapartidong Nazi upang tangkaing ipalawak ang kanilang kapangyarihan. Pero ang himagsikang ito ay pumalpak at marami sa kanyang kasamahan ang nabihag ng mg awtoridad. Aabutin ang partido ng sampung taon bago sila ang magiging pinuno ng bansa.

 




Gawain 2.Right Angle Approach
Tukuyin kung ano ang Facts at Views sa mag tinutukoy na pahayag tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Gamitin ang Right Angle Approach.

FACTS: 
  1. __
  2. __
  3. __
  4. __
VIEWS:
  1. __
  2. __


A. Isa sa mga dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pamumuno ni Hitler sa Germany.

B.Fascism ang tawag sa Ideolohiyang pinairal ni Benito Mussolini sa Italy.
C.Nang salakayin ng Japan ang Pearl Harbor sa Hawaii, lubhang nagalit ang United States at nagdeklara ito ng Digmaan laban sa Japan.
D.Humiwalay ang Germay sa League of Nations.
E.Idiniklarang Open City ang Maynila noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
F. Lumaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa halos lahat ng lupalop ng daigdig.




"Aralin II"
 Digmaan sa Europa:
Idinagdag ni Adolf Hitler sa mga alemanyang Nazi ang mga bahagi ng Awstriya at Sudetenland isang lugar na pinamumugaran ng Tseka. Nakipagsunduan din siya sa pinuno ng Unyong Sobyet na si Joseph Stalin para magdeklara ng digmaan sa bawat isa. Madaling sinakop ng Alemanya ang Polonya, sa tulong  ng Unyong Sobyet noong ika-1 ng Setyembre 1939 dahilan upang magdeklara ng digmaan ang Britanya at Pransiya sa unang nabanggit; dalawang araw ang makalipas ay opisyal nang nagsimula ang digmaan. Gumagamit ang  mga heneral ng Alemanya ng taktikang blitzkrieg o digmaang kidlat na malugod na ginagamitan ng bilis ng paglusob ng mga iba't ibang yunit ng Wehrmacht, ang hukbong katihan ng Alemanya noong panahong yaon. Ang Dinamarka,Noruwega, Belhika, Olanda at Pransiya ay mabilis na napabagsak ng blitzkrieg habang dumadanas ng maliliit ng mga kawalan sa tauhan at materyales.



Sa kabila ng pagkawala ng pagkawala ng Pransiya sa kamay ng mga  Aleman, tanging ang bansang Britanya na lang ang mananatiling malaya at kung saan ay nasa digmaan pa ang laban sa kanila. Gusto ni Hitler na wasakin muna ang hukbong panghimpapawid ng Britanya bago sakupin ang bansa noong 12 Agosto 1940,binomba ng Alemanya ang katiogang baybayin ng Inglatera, pinagsamasama ni Prime Minister Winston Churchill ang kanyang hukbo para lumaban. Ang mga Briton ay tinulungan  ng lihim na imbensyon na radar na ginagamit para malaman kung  may hukbong himpapawid na papunta sa bansa at sa tulong nito natablahan ng mga eroplanong panlaban ng bansa ang mga napakaraming eroplanong pambomba at panlaban ng Alemanya ,pinatigil ni Hitler ang panghimpapawid na pananakop sa Britanya sanhi sa kawalan sa mga eroplano at hindi nasakop ng Alemanya ang pulo bilang kinalabasan.

Noong Hunyo 1941 sinisimulan na ni Hitler at ng kanyang mga  Heneral ang pananakop sa Unyong Sobyet, ang pinakamalaking bansa sa mundo. Ayon sa mga mananaysay at mga iskolar , ito ang pinakamalaking pagkakamali ni Hitler.gusto niya ng bakanteng lugar para sa kanyang lahi at makontol ang kayaman ng rehiyon. Gusto rin niyang pabagsakin ang komunismo at talunin ang kanyang pinakamapangyarihang karibal na si Joseph Stalin. Umaabot sa apat na milyong sundalo ang pinasugod ni Hitler sa Rusya. dahil dito nagkasundo ang Unyong Sobyet at Britanya na magtulungan sa digmaan. Hindi nakapaghanda si Stalin sa pagsugod  ng Alemanya. Higit sa dalawang milyong sundalo at sibilyan ang namatay sa kamay ng mga  Aleman, sa kabila nito walang balak na sumuko ang mga Ruso sa pagtatanggol ng kanilang bansa. Muntikan ng maagaw ng Wehrmacht ang Moscow na nagsisilbing kabisera ng bansa ngunit sa pagsapit ng taglamigang Ruso, naglunsad ang mga Sobyet ng isang  malawakang pag atake laban sa kanila at lubos na napaatras ang kanilang mga kawal mula sa tarangkahan ng lungsod.


Ang pagbago ng takbo ng digmaan para sa mga  Alyado:


Sa unang bahagi ng taong 1942,naging matagumpay ang  hukbong Axis sa Europa sa iba't ibang larangan ng digmaan. Napasakamay ng mga Aleman at Italyano ang kuta ng Briton sa Tobruk Libya pagkatapos ng pagtatangka muli ng mga Aleman sa pagkatalo nila  sa Moscow ilang linggo na ang lumipas ay bumalik sila sa paglulusob naagaw nila ang tangway ng Kerch at ang lungsod ng Kharkov at pinagpatuloy nila ang pangunahing misyon nila na maagawa nag masaganang kalangisan sa Caucasu at sa lungsod ng  Stalingrad. Dito nagsimula ang madugong labanan sa Stalingrad. Isang malaking insulto at kawalan kay Stalin ang pagkawala ng lungsod lalo't lalo na't pangalan niya ang  nakaukit sa lungsod kaya ang utos niya sa kanyang mga kasundalohan tumatanggol salungsod ay  bawal umatras ng walang utos sa kataas taasan okundi'y sila'y papatayin. habang nahihirapan ang hukbong Axis sa  pag agaw sa lungsod dahil sa mga namamril na nakatago sa mga gusaling nasira ang mga kanyon at eroplano na kagitingan ng mga lokal nitong mamamayan,lumusob naman ang mga Sobyet sa mga giliran ng hanay ng hukbo  at napakaraming yunit ng hukbo kabilang na yaon ang mga Romaniyani, Italyano, Unggaryano at iba pang kaalyado ng Alemanya,ang nawasak napaligiran ang mahigit 300'000 aleman sa lungsod ,Pebrero 1943 sanhi  ng pagkaubos ng kanilang tauhan,nateryales at pagkain kasama na ang napakaminsalang taglamigang Ruso,napilitan silang sumuko sa mga Sobyet,ito ang hudyat ng simula ng pagbagsak ng hukbong Axis sa digmaan. Bagaman may kalakasan pa ang Wehrmacht sa labanan hindi na ito naibawing muli ang dati nitong sigla pagkatapos ng labanan sa Kursk na siyang pinakamalaking labanan ng tangke sa kasaysayan na napagwagian ng mga Sobyet, napatunayan ng wala ng kakayahan ang Alemnaya na magsagawa ng panlulusob sa mga teritoryo ng Rusya.



Pagkawagi ng mga Alyado:
Noong ika-6 ng Hunyo 1944 naglunsad ang mga sundalong Amerikano,Briton at Kanadyano ng 
pagsalakay sa baybayin ng Normandy Pransiya na sakop ng mga sundalong Aleman at ito ay bahagi ng operasyong tinawag na D-Day o Operasyong Overload na siyang pinakamalaking paglusob mula dagat sa .kasaysayan. Mahigit 175,000 na Alyadong sundalo ang lumapag sa  baybaying-dagat ng Normandy sa mga unang araw nito at lumagpas sa humigit isang milyon pagkatapos ng ilang araw. Makalipas ang ilang buwan, sa tulong ng mga Pranses matagumpay na napalaya ng hukbong Alyado ang 
Pransiya,makalipas ang  ilang buwan nagsagawa ang mga  Aleman ng isang paglusob laban sa mg hukbong Alyado sa mga kagubatan ng Ardennes, subalit pumalya ito at dahil dito ay halos matalo na ang bansa sa digmaan.

Noong 16 Abril 1945, pumasok ang hukbong pula ng Unyong Sobyet sa lungsod ng Berlin ang kabisera ng Nasiyunalistang Alemanya at nilbanan nito ang mga kahulihuliang mga yunit ng sundalong Aleman. Nawasak ang kabiserang lungsod at may higit 700,000 sundalong Aleman at sibilyan ang namatay, nasugatan at nabihag sa kamay ng mga Sobyet. Noong 8 Mayo 1945 sumuko ang Alemanya at nagwagi ang puwersang Alyado at Unyong Sobyet sa digmaan.




Para mas maunawaan ang D-Day o Operasyong Overload ito ang isang dokumentaryo ukol sa nasabing taktika na ginamit ng Hukbong Alyado. Habang nanonood itala ang mga mahahalagang kaganapan na nangyari sa napanood na bidyo:
Panuorin:

 







Gawain 3: Reaction Paper
Gumawa ng Reaction paper patungkol sa kaganapan sa Digmaan sa Europa. tulad ng ibat ibang gerang naganap, at tungkol sa mga naglalabang alyado.












"Aralin III"
Digmaan sa Asya:
Sumiklab din ang digmaan saPilipinas at  Asya. Dulot ng pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii,sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon) mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa noong 3 Disyembre 1942. Inutos ni Franklin D. Roosevelt ang pagdeklara ng giyera laban sa bansang Hapon ngunit nagdeklara din ang Almanya at Italaya laban sa Estados Unidos. Idiniklara ni Hen. McArthur bilang open city ang maynila. Ngunit hindi ito sinunod ng Hapon at itinuloy parin ang pag atake. Dahil sa palala ang kondisyon ng Pilipinas ,ango pamahalaang komonwelt ni Manuel L. Quezon ay inilikas mula  Malinta tunnel Corregidor papuntang Washington D.C. sa Estados Unidos at iniwan ang pamamahal kay Jose P. Laurel at Jorge Vargas humirap ang kondisyon ng bansa malakas umatake ang mga hapones sa pamumuno ni Masaharu Homma, dahil dito humina ang pwersang SAFFE at tinuluyang isuko ang Corregidor at Bataan na pinamumunuan nina Hen.King at Hen. Wainwright. Lumakas ang pwersa ng mga Hapon at nasakop lahat ng lugar sa Asya. Nasakop nila ang Tsina, Myanmar, Malaya,Dutch East Indies, at ang Pilipinas.



Noong 20 Oktobre 1944, bumalik si Hen. Douglas McArthur at mga kasamahan ni dating pangulo Sergio Osmena,Heneral Basilio J. Valdez,brigedyer Heneral Carlos P. Romulo ng sandatahang lakas ng Pilipinas at si Heneral Richard Sutherland ng hukbong katihan ng Estados Unidos ay dumaong ang puwersang Amerikano sa Palo,Leyte. At nagsimula  ngpagpapalaya sa bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin ng mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ng mga kumilalang pangkat ng mga girelya noong 1944 hanggang 1945 at ang pagsalakay ng puwersang hapones. Nagsimula ang labanan ng pagpapalaya sa Maynila noong Pebrero 3 hanggang Marso 3 1945 ay nilusob ng magkasanib na puwersang  Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones, at mahigit sa 100,000 mga Pilipinong sibilyan ang namatay sa kamay ng hukbong Hapones noong 2 Setyembre 1945 sumuko si Heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan lalawigang bulubundukin (ngayon ay Ifugao) sa hilagang Luzon. Nagsimula ang mga sundalong Pilipino at Amerikano ay naghahanda sa pagsalakay sa Hilagang Luzon ay lumaban ang hukbong Imperyong Hapones noong 1945. Natapos lang ang digmaan sa buoong mundo pagkatapos ng pagpirma ng pagsuko ng mga sundalong Hapon sa sundalong Amerikano.
Pamprosesong tanong,pagktapos ng pagbobomba sa Hiroshima at Nagasaki noong Agosto 6, 1945 sa Look ng Tokyo,Hapon.

Gawain 4: TIME LINE
Petsa (Araw, Buwan, Taon)/ Mga Pangyayari
___________________________________         ________________________________________
___________________________________         ________________________________________
__________________________________         ________________________________________
__________________________________         ________________________________________
___________________________________         ________________________________________







Pamprosesong Tanong:

1.Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan?
2.Ano ang dahilan kung bakit sumali ang United States sa digmaan?
3.Kung ikaw ang pangulo ng Amerika ng panahong iyon,haharapin mo rin ba ang panganib? Bakit?

Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig:


  1. Pagbagsak ng Ekonomiya ng mga bansa
  2. Pagkalagas ng puwersang militar
  3. Sirang mga imprastraktura
  4. Pagkamatay ng mga inosenteng mamamayan











Mga Sagot sa bawat Gawain:
Gawain 1.
1.C. Hiroshima
2.D. National Socialism
3.B. Fascism


Gawain 2.
FACTS: B,D,E,F
VIEWS: A,C


Gawain 3.
Reaction paper

Halimbawa ng isang Uri ng Rubric para sa isang papel
Pamantayan
Superior (54-60 puntos)
Sapat (48-53 puntos)
Minimal (1-47 point)
Hindi Katanggap-tanggap (0 puntos)
Lalim ng Reflection

(25% ng TTL Mga puntos)

___ / 15
Tugon ay nagpapakita ng isang malalim na sumasalamin sa, at pag-personalize ng, ang teoryang, konsepto, at / o mga diskarte iniharap sa mga materyales sa kurso sa petsa.Pananaw at interpretations mga pakinabang at mahusay na suportado.I-clear, mga detalyadong halimbawa ay ibinigay, bilang naaangkop.
Tugon ay nagpapakita ng pangkalahatang sumasalamin sa, at pag-personalize ng, ang teoryang, konsepto, at / o mga diskarte iniharap sa mga materyales sa kurso sa petsa. Pananaw at interpretations ay suportado. Naaangkop na mga halimbawa ay ibinigay, bilang naaangkop.

Tugon ay nagpapakita ng isang minimal na pagmuni-muni sa, at pag-personalize ng, ang teoryang, konsepto, at / o mga diskarte iniharap sa mga materyales sa kurso sa petsa.Pananaw at interpretations ay hindi suportado o hindi suportado gamit ang flawed mga argumento. Mga Halimbawa, kapag naaangkop, ay hindi ibinigay o walang kinalaman sa ang pagtatalaga.
Tugon ay nagpapakita ng kakulangan ng pagmuni-muni sa, o sa pag-personalize ng, ang teoryang, konsepto, at / o mga diskarte iniharap sa mga materyales sa kurso sa petsa. Pananaw at interpretations ay nawawala, hindi naaangkop, at / o hindi suportadong. Mga Halimbawa, kapag naaangkop, ay hindi ibinigay.
Kinakailangang Bahagi

(25% ng TTL Mga puntos)

___ / 15
Tugon Kasama sa lahat ng mga bahagi at natutugunan o lumalagpas ang lahat ng mga kinakailangan na nakasaad sa mga tagubilin. Ang bawat tanong o bahagi ng pagtatalaga Naka-address lubusan. Ang lahat ng mga attachment at / o mga karagdagang dokumento ay kasama, gaya ng iniaatas.
Tugon Kasama sa lahat ng mga bahagi at natutugunan ang lahat ng mga kinakailangan na nakasaad sa mga tagubilin. Ang bawat tanong o bahagi ng pagtatalaga Naka-address. Ang lahat ng mga attachment at / o mga karagdagang dokumento ay kasama, gaya ng iniaatas.
Tugon ay nawawala ang ilang mga bahagi at / o hindi ganap na nakakatugon sa mga iniaatas na nakasaad sa mga tagubilin. Ang ilang mga katanungan o mga bahagi ng pagtatalaga ay hindi natugunan. Ang ilan sa mga attachment at mga karagdagang dokumento, kung kinakailangan, ay nawawala o hindi angkop para sa layunin na ang pagtatalaga.
Ibinubukod ng Tugon mahalagang bahagi at / o ay hindi matugunan ang mga kinakailangan na nakasaad sa mga tagubilin. Maraming bahagi ng pagtatalaga ay natugunan Nagnais, inadequately, at / o hindi sa lahat.
Istraktura

(25% ng TTL Mga puntos)

___ / 15
Pagsusulat ay malinaw at madaling maintindihan, at mahusay na nakaayos na may mahusay na pangungusap / talata construction.Pag-iisip ay ipinahayag sa magkaugnay na at lohikal na paraan.Walang higit sa tatlong spelling, grammar, o mga syntax error bawat pahina ng pagsulat.
Pagsusulat ay kadalasang malinaw at madaling maintindihan, at mahusay na nakaayos na may mahusay na konstruksiyon pangungusap / talata. Pag-iisip ay ipinahayag sa magkaugnay na at lohikal na paraan. Walang higit sa limang spelling, grammar, o mga syntax error bawat pahina ng pagsulat.
Pagsusulat ay hindi malinaw at / o ginulo. Mga saloobin ay hindi ipinahayag sa isang lohikal na paraan.Mayroong higit sa limang spelling, grammar, o mga syntax error bawat pahina ng pagsulat.

Pagsusulat ay hindi malinaw at ginulo.Mga iniisip ramble at gumawa ng maliit na kahulugan. Maraming spelling, grammar, o mga syntax error sa buong tugon.

Ebidensiya at Practice

(25% ng TTL Mga puntos)

___ / 15

Ipinapakita ng Tugon malakas na katibayan ng synthesis ng mga ideya na ipinakita at mga pananaw nagkamit sa buong kurso. Ang mga implikasyon ng mga pananaw na ito para sa pangkalahatang mga kasanayan sa pagtuturo ang tumutugon ay lubusan detalyadong, bilang naaangkop.
Ipinapakita ng Tugon katibayan ng synthesis ng mga ideya na ipinakita at mga pananaw nagkamit sa buong kurso.Ang mga implikasyon ng mga pananaw na ito para sa pangkalahatang mga kasanayan sa pagtuturo ang tumutugon ay ipinakita, kung naaangkop.
Ipinapakita ng Tugon kaunti ebidensiya ng synthesis ng mga ideya na ipinakita at mga pananaw nagkamit sa buong kurso. Ilang implikasyon ng mga pananaw na ito para sa pangkalahatang mga kasanayan sa pagtuturo ang tumutugon ay ipinakita, kung naaangkop.
Ipinapakita ng Tugon walang katibayan ng synthesis ng mga ideya na ipinakita at mga pananaw nagkamit sa buong kurso.Walang mga implikasyon para sa pangkalahatang mga kasanayan sa pagtuturo ang tumutugon ay ipinakita, kung naaangkop.


Gawain 4:Time line
Petsa (Araw, Buwan, Taon)/ Mga Pangyayari
-3 Disyembre 1942- Sumiklab din ang digmaan saPilipinas at  Asya. Dulot ng  pagsabog ng Pearl Harbor sa Hawaii,sinunod ang Malaya (Malaysia at Singapore sa ngayon) mga lalawigan sa Pilipinas at iba pa
-20 Oktobre 1944, bumalik si Hen. Douglas McArthur at mga kasamahan ni dating pangulo Sergio Osmena,Heneral Basilio J. Valdez,brigedyer Heneral Carlos P. Romulo ng sandatahang lakas ng Pilipinas at si Heneral Richard Sutherland ng hukbong katihan ng Estados Unidos ay dumaong ang puwersang Amerikano sa Palo,Leyte
-1944 hanggang 1945- nagsimula  ngpagpapalaya sa bansang Pilipinas sa pagitan ng pagsamahin ng mga tropang Pilipino at Amerikano kabilang ng mga kumilalang pangkat ng mga girelya.
-Pebrero 3 hanggang Marso 3 1945- ay nilusob  ng magkasanib na puwersang  Pilipino at Amerikano na isinalakay at pagwasak ng pagbobomba ng kabiserang lungsod laban sa hukbong sandatahan ng Imperyong Hapones
-2 Setyembre 1945- sumuko si Heneral Tomoyuki Yamashita sa mga tropang Pilipino at Amerikano sa Kiangan lalawigang bulubundukin (ngayon ay Ifugao) sa hilagang Luzon. 
- lumaban ang hukbong Imperyong Hapones noong 1945. 
-Look ng Tokyo,Hapon.






"Hindi  ang  kasaysayan ang umuulit sa sarili niya. Kundi ang tao ang umuulit sa kasaysayan"

-Sir Robert Go




"PAGTATAPOS NG MODYUL"

9 comments:

  1. click read more may katuloy pa po.. =D

    ReplyDelete
  2. very nice reviving events that took place before i was born in this world. thanks and keep me watching on please?

    ReplyDelete
  3. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete
  4. Slot Machine Casinos & Slot Machines - Mapyro
    Free Play 전주 출장샵 Slot 대전광역 출장샵 Machine Games At Mapyro Casino. Have something to 세종특별자치 출장마사지 say 당진 출장안마 about your favorite casino games 성남 출장샵 and places to play? Let us know in the comments!

    ReplyDelete